Comments Off

BUHAY ESTUDYANTE


.

LUNES:  Nasa school.
Martes: Nasa school
MIYERKULES: Nasa school
HUWEBES: Nasa school
BIYERNES: Nasa school
SABADO: Nasa school.
LINGGO: Pag may seminar nasa school pa rin.

Araw-araw nasa school kami para mag-aral. Kahit madalas o paminsan-minsan na hindi nakikinig at nag-iingay lang sa loob ng klase eh hindi mo pa rin maitatanggi na wala kang natutunan sa loob ng araw ng lecture.
May pagkakataon na hindi tayo naiintidihan ng mga magulang natin, at may pagkakataong nakalimutan nila na minsan sa buhay nila naging estudyante din sila.

Kanina lang napagdesisyunan ko na hindi ko pa yata kaya sumabak sa isang twist na pwede mangyari at magpabago sa buhay ko, ang BOARD EXAM.
Nakakahiya man aminin pero sadyang tamad talaga ako mag-aral kaya nararamdaman ko na hindi pa ako handa.
Kaya kanina napagalitan pa ako nun sinabi kong hindi ako kukuha ng exam sa july.
Dami nilang sinabi, di muna sila nag-iisip.
Naiintindihan ko naman na gusto nila malagay ako sa magandang katayuan sa buhay pero sana maintindihan nila na hindi yun minamadali, may tamang panahon para dun, may tamang oras sa lahat ng bagay.
Magiging nurse ako.

Sa ngayon nawawalan ako ng gana.
Dapat suportahan nila ako kung ano yun gusto ko hindi yun papangunahan nila ako. HAY.
Nakakawala ng gana.
Bahala na. =(



Comments are closed.