Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang
napakalaking oxymoron. Lahat ng pwede
mong masabi sa kanya, baliktarin mo at
totoo pa rin. Ang labo di ba? Pero ang
linaw.
Masaya magmahal. Malungkot
magmahal. Di mo naiintindihan pero
naiintindihan mo. Walang rason.
Maraming rason. Di mo na kaya, pero
kaya mo pa rin. Masakit magmahal. Pero
okey lang. Leche, ano ba talaga?!
May kaibigan ako, sabi niya dati "Love is
only for stupid people." Nakakatawa kasi
laude ang standing niya, pero dumating
ang panahon, na-in-love din ang
hunghang. At ayun, tanga na siya
ngayon. Lahat kasi ng nahahawakan ng
love nagiging oxymoron din. O kaya
paminsan, nagiging moron lang.
Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-
ibig. Lahat ng bagay nababaligtad din
niya. Lahat ng malalakas na tao,
humihina. Ang mayayabang,
nagpapakumbaba. Ang mga walang
pakialam, nagiging Mother Teresa. Ang
mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang
malulungkot, sumasaya. Ang matitigas,
lumalambot.
Nakakatawa talaga. Lalo na kapag
dumadating siya sa mga taong ayaw na
talaga magmahal. Napansin ko nga eh.
Parang kung gusto mo lang ma-in-love
ulit, sabihin mo lang ang magic words
na "Ayoko na ma-inlove!" biglang
WACHA! Ayan na siya. Nang-aasar.
Magpapaasar ka naman.
Di ba nakakatawa rin na pagdating sa
problema ng ibang tao, ang galing-
galing mo? Pero ‘pag problema mo na
yung pinag-uusapan parang nawawalan
ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa
namomroblemang tao? Naiisip mong
wala namang mali dun sa mga sinabi
mo. Pero bakit parang wala ring tama?
Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga
taong tinamaan ng madugong pana ng
pag-ibig. "Ngayon ko lang nalaman
ganito pala. Sabi ko na eh!" "Ang sarap
mabuhay. Pwede na ‘ko mamatay. Now
na!"
At hindi lang ‘yon. Ang sarap din
pagtawanan ng mga taong alam naman
nilang masasaktan lang sila eh
magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-
ibig. Tapos ‘pag luray-luray na yung puso
nila, siyempre hindi sila yung may
kasalanan. Siya! "Bakit niya ‘ko
sinaktan?" May kasama pang pagsuntok
sa pader yon, at pagbabagsak ng pinto.
Hayop talaga.
Mauubos ang buong magdamag ko
kakasabi ng mga bagay na
nakakatawa ‘pag pag-ibig na ang pinag-
usapan. Ang daming beses ko na kasi
siyang nakasalubong kaya masasabi ko
nang eksperto na ‘ko. Pero wala pa rin
akong alam.
Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay
ang katotohanang kapag gusto
magpatawa ng pag-ibig, ipusta na mo na
lahat ng ari-arian mo dahil siguradong
ikaw ang punchline.
Nakakatawa no?
Nakakaiyak.
mong masabi sa kanya, baliktarin mo at
totoo pa rin. Ang labo di ba? Pero ang
linaw.
Masaya magmahal. Malungkot
magmahal. Di mo naiintindihan pero
naiintindihan mo. Walang rason.
Maraming rason. Di mo na kaya, pero
kaya mo pa rin. Masakit magmahal. Pero
okey lang. Leche, ano ba talaga?!
May kaibigan ako, sabi niya dati "Love is
only for stupid people." Nakakatawa kasi
laude ang standing niya, pero dumating
ang panahon, na-in-love din ang
hunghang. At ayun, tanga na siya
ngayon. Lahat kasi ng nahahawakan ng
love nagiging oxymoron din. O kaya
paminsan, nagiging moron lang.
Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-
ibig. Lahat ng bagay nababaligtad din
niya. Lahat ng malalakas na tao,
humihina. Ang mayayabang,
nagpapakumbaba. Ang mga walang
pakialam, nagiging Mother Teresa. Ang
mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang
malulungkot, sumasaya. Ang matitigas,
lumalambot.
Nakakatawa talaga. Lalo na kapag
dumadating siya sa mga taong ayaw na
talaga magmahal. Napansin ko nga eh.
Parang kung gusto mo lang ma-in-love
ulit, sabihin mo lang ang magic words
na "Ayoko na ma-inlove!" biglang
WACHA! Ayan na siya. Nang-aasar.
Magpapaasar ka naman.
Di ba nakakatawa rin na pagdating sa
problema ng ibang tao, ang galing-
galing mo? Pero ‘pag problema mo na
yung pinag-uusapan parang nawawalan
ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa
namomroblemang tao? Naiisip mong
wala namang mali dun sa mga sinabi
mo. Pero bakit parang wala ring tama?
Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga
taong tinamaan ng madugong pana ng
pag-ibig. "Ngayon ko lang nalaman
ganito pala. Sabi ko na eh!" "Ang sarap
mabuhay. Pwede na ‘ko mamatay. Now
na!"
At hindi lang ‘yon. Ang sarap din
pagtawanan ng mga taong alam naman
nilang masasaktan lang sila eh
magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-
ibig. Tapos ‘pag luray-luray na yung puso
nila, siyempre hindi sila yung may
kasalanan. Siya! "Bakit niya ‘ko
sinaktan?" May kasama pang pagsuntok
sa pader yon, at pagbabagsak ng pinto.
Hayop talaga.
Mauubos ang buong magdamag ko
kakasabi ng mga bagay na
nakakatawa ‘pag pag-ibig na ang pinag-
usapan. Ang daming beses ko na kasi
siyang nakasalubong kaya masasabi ko
nang eksperto na ‘ko. Pero wala pa rin
akong alam.
Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay
ang katotohanang kapag gusto
magpatawa ng pag-ibig, ipusta na mo na
lahat ng ari-arian mo dahil siguradong
ikaw ang punchline.
Nakakatawa no?
Nakakaiyak.